PABATID:
Maaari na i-download ang mga bago at K to 12-aligned na ALS modules para sa Junior High School (JHS) level (Teachers Guidebooks and Learners Workbooks) sa 'Resources and Downloads' tab ng website na ito.
Kabilang sa mga ito ang bagong modules para sa Learning Strand (LS) 6: Digital Citizenship.
Ang mga bagong ALS module ay binuo sa pagtutulungan ng Department of Education (DepEd), sa pamamagitan ng Bureau of Alternative Education (BAE), UNESCO Jakarta, Korea International Cooperation Agency Philippines - KOICA 필리핀사무소, at Asia Pacific College mula 2019 hanggang 2021.
Bilang suporta sa mga ALS Teacher para sa paglilimbag ng mga kopya ng bagong K to 12-aligned ALS modules, inilabas ni ALS ASec. G.H. Ambat ang OM-OAGA-2022-047 (Provision of Funds for Printing and Reproduction of ALS K to 12 BEC Learning Resources) noong April 4, 2022.
Maaaring direkta makipag-ugnayan ang mga ALS Teacher sa DepEd Regional Office para sa iba pang detalye.
Ang bagong K to 12-aligned ALS modules ay isa sa maraming milestones ng DepEd ALS 2.0 Program sa ilalim ng administrasyon ni Kalihim Leonor Magtolis Briones, sa pangunguna ni ASec. Ambat at ng BAE.
Comments